Demand
Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produktong gustong bilihin ng isang konsyumer. Ang presyo ay isa sa mga malalaking impluwensya na nakakapagbago sa Demand ng isang konsyumer. Pwedeng magkaroon ng Demand kung ang konsyumer ay handang bumili ng produkto sa pinag-kasunduang presyo ng isang produkto.Demand = Kakayahan + Kagustuhan
Demand Curve
Ginagamit ang demand curve upang magbigay ng estima kung paano kumilos at magdesisyon ang isang competitive na market. Kadalasan, ito ay isninasama sa supply curve upang malaman ang equilibrium price, at equilibrium quantity ng nasabing merkado.
Demand Fuction
Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo
at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:
Qd = f (P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo
(P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago
ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng
mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation
na:
Qd = a - bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope= ∆Qd
∆P
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo.
Demand Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand
schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at
gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.