Tuesday, September 15, 2015

Ano ang Demand?



Demand

Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produktong gustong bilihin ng isang konsyumer. Ang presyo ay isa sa mga malalaking impluwensya na nakakapagbago sa Demand ng isang konsyumer. Pwedeng magkaroon ng Demand kung ang konsyumer ay handang bumili ng produkto sa pinag-kasunduang presyo ng isang produkto.


Demand = Kakayahan + Kagustuhan

Demand Curve


Ang demand curve ay tumutukoy sa graph na nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng isang produkto laban sa mga bilang ng mga kosumer na nais at may kakayahang bilhin ang nasabing produkto sa isang nakatakdang halaga.

Ginagamit ang demand curve upang magbigay ng estima kung paano kumilos at magdesisyon ang isang competitive na market. Kadalasan, ito ay isninasama sa supply curve upang malaman ang equilibrium price, at equilibrium quantity ng nasabing merkado.

Demand Fuction


Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo
at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo
(P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago
ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng
mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation

na:

Qd = a - bP

Kung saan:

Qd = quantity demanded

P = presyo

a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

b = slope= ∆Qd

∆P

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo.

Demand Schedule

Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand 
schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at 
gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. 

No comments:

Post a Comment